Vester Shared Lives and Stories: A LONG AND LASTING LOVE (PART 1)

“Ayan na naman siya,” sabay yuko si Romy pag-daan ni Magda.

Matagal nang matagal crush ni Romy si Magda, elementary pa sila sa Mangaldan. Nagyong high school, lalong tumindi ang pagmamahal nya—maganda si Magda, matangkad, parang model, hinirang siyang Miss Pangasinan noong nakaraang taon. Bukod duon, mayaman sila Magda. Galing sa sikat at marangyang angkan sa Pangasinan. Dating mayor ang lolo nya. Ang tatay nya ay isang big time contractor, kaya hatid sundo ng kotse si Magda. Napakalayo ng agwat nila ni Romy, parang langit at lupa. Mahirap sila Romy, magsasaka ang tatay nya, walo silang magkakapatid, Gayun paman ‘di talaga matanggal ang pagmamahal nya kay Magda, pero hanggang tingin na lang siya, mananatiling pangarap na di nya kayang makamit.

Hindi sa walang nagmamahal kay Romy. Nandiyan si Lorena, kapitbahay nila sila Rowena, anak ni Aling Taling na may sari sari store at si Lorena ang laging nagbabantay. Nuon pa mang bata sila may lihim na pagtingin na si Lorena kay Romy, kaya lagi syang nag papaganda pag alam nyang dadaan si Romy pero deadma si Romy sa kanya. Alam ni Lorena na si Magda ang gusto ni Romy pero lihim siyang umaasa na darating ang panahon mamahalin siya ni romy pero sa mundo ni Romy, parang di siya kabilang kaya lagi na lang nyang tinatanaw si Romy sa malayo tuwing nadadaan siya sa store nila.

Di talaga mapansin ni Magda si Romy dahil high school pa sila may kasunduan ang ang mga magulang nya na ipapakasal si Magda kay Ricky Flores, anak ng dalubhasang doctor sa Dagupan na si Dr. Flores. Kapwa sila mayaman at bagay na bagay sila, gwapo si Ricky at high school pa lang may kotse na. Minsan nadaan sila sa kotse nya kasama nya si Magda at nakita sila ni Ricky sa tabi ng daan at malakas ang ulan nuon. Nadaan sa putik ang gulong at natilamsikan ng putik si Romy. Buti na lang malakas ang ulan at di nila nakita ang luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa.

Kalaunan, kinasal si Magda at Ricky. Big news sa buong Dagupan. Lahat ng mga sikat na pulitiko at mayayaman dumalo sa kasal nila. Di nakayanan ni Romy ang sama ng loob, lumuwas siya sa Manila at dun nag trabaho para makalimutan si Magda. Nagulat na lang si Lorena ng malaman na lumisan na si Romy, ngunit kada dapit hapon inaantay nya si Romy at baka maaninag nya ang anino niya—ang kanyang pinakamamahal na Romy.

Lumipas ang taon. Para makalimutan si Magda , binuhos ni Romy ang kanyang oras sa trabaho. Kahit papano, umasenso siya. Manager na siya ng isang malaking kumpanya sa Maynila.

May magarang sasakyan at sariling bahay pero wala pa rin siyang asawa dahil sa puso nya, si Magda pa rin ang nakatatak. Matagal siyang ‘di umuwi sa pangasinan.

Minsan, nabasa nya na may binebentang condo sa Dagupan. Maganda ang location sa Arellano, tamang tama sabi nya. “Imbes na maghotel pag dumalaw ako sa Pangasinan, duon na lang ako manuluyan at pagwala ako, pwede kong ipa-transient”.

At dahil mura lang ang amortization, kumuha siya ng dalawang units ,kayang kaya nya at malaki ang sweldo nya. Tuwang tuwa ang pamilya nya ng malaman nilang uuwi si Romy. Nabalitaan din ni Lorena na dalaga pa, kaya araw araw siyang nag -aayus habang nagbabantay ng tindahan sakaling mapagawi si Romy, dahil siya pa rin ang tinitibok ng puso nya. Ngunit si Magda pa rin ang nasa puso ni Romy.

Nabalitaan ni Romy naghiwalay sila Magda at Romy at mahirap na sila Magda ngayun dahil tumakbo sa pulitiko ang tatay nya at ilang beses natalo hanggang nabankcrupt sila.

Isang araw bumalik si Romy sa Pangsinan at hinanap nya si Magda. Napagtanong tanong nya at nakita nya si Magda sa isang liblib na barangay. Halos manginig ang kanyang buong katawan ng pumasok siya sa isang barong barong na siyang tinitirhan ni Magda. May dalang rosas si Romy. Nang makita nya si Magda, naluha si Romy—napakapayat ni Magda. Halos butot-balat na lang na nakaratay sya sa isang kama.

“Magda, mula pa nuon mahal na kita.” Di mapigilan ni Romy, nasabi nya ang lahat ng kinikimkim nyang pagmamahal kay Magda. Nakikinig lang si Magda at unti-unting tumulo ang luha nya.

“Romy, huli na ang lahat. May taning na ang buhay ko dahil sa kanser. Napahagulgul silang dalawa at nagyakapan.

Makaraan ang isang linggo, pumanaw si Magda. Nandun si Romy. Nandun rin si Lorena sa libing ngunit ‘di siya nakita ni Romy. Nakatitig lang siya sa larawan na nasa puntod ni Magda.

Dapithapon, dumaan ang kotse ni Romy sa harap ng store nila Lorena. Habang nakatingin si Lorena sa papalayong kotse, tumutogtog ang radyo sa saliw ng kanta ni Rey Valera—“mahal kita mahal mo siya, mahal nya ay iba” at walang patlang na tumutulo ang luha ni Lorena.

(Abangan ang susunod na kabanata, A LONG AND LASTING LOVE PART 2)

Kahit sawi sa pag-ibig si Romy, meron pa din siyang income earning investment na may monthly income. Naglaho man ang kanyang lovelife sa ngayon, may kita pa din siya sa Bayani Hall buwan buwan. Pero…naglaho nga ba ng tuluyan ang kanyang pag-asa sa pag-ibig? Abangan ang susunod na kabanata sa lovelife ni Romy.***Vester